Connect with us

Aklan News

DRAYBER NG KOTSENG NAHULOG SA SAPA, SASAGUTIN ANG GASTOS SANHI NG AKSIDENTE

Published

on

Sasagutin umano ng drayber ng nahulog na kotse ang gastusin sa pagpapaayos ng mga pinsalang idinulot ng aksidente kaninang umaga malapit sa intersection ng Barangay Cabangila at Barangay Catmon.

Ito ang kinumpirma ng Altavas PNP kaugnay ng kasunduang pinirmahan ng drayber na si Geofredo Celiz, matapos din nitong makalabas agad ng Altavas Hospital.


Todo Media Magazine

Base sa napagkasunduan, babayaran ni Celiz ang pagpapaayos ng mga  nasirang poste ng waiting shed ng Barangay Catmon, gayundin ang signage ng Catmon Integrated School na kapwa inararo ng mimamaneho nitong kotse.

Lumalabas sa imbistigasyon ng pulis na papuntang Kalibo noon sina Celiz at 2 katrabaho nito sa Toyota Aklan Inc. na sina Ronald Dela Cruz ng Arevalo, Iloilo, at Claire Joy Gaviola, ng Roxas City, Capiz nang mangyari ang insidente.

Sinasabing nag-overtake sa isang sasakyan ang kotse, subali’t nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang drayber kung kaya’t nabangga nila ang signage at poste ng waiting shed bago nahulog sa sapa.

Mapalad namang hindi nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan ang mga biktima, subalit minarapat dalhin sa Altavas Hospital matapos bigyan ng pangunang lunas ng MDRRMO Altavas.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *