Connect with us

Aklan News

DISKWENTO SA GASOLINA PARA SA MGA TRAYSIKEL DRAYBER, ISINUSULONG NI SB MATT GUZMAN

Published

on

By

Dahil sa walang patid na pagtaas ng mga produktong petrolyo at lingguhang oil price hike, isinusulong ngayon ni SB Matt Aaron Guzman, Chairman ng Committee on Transportation ng Sangguniang Bayan Kalibo na mabigyan ng membership at discount ang mga nagpapasadang traysikel drayber sa Kalibo.

Inihirit din ng konsehal na unahin ang mga traysikel drivers sa pagbibigay ng fuel subsidy.

Sinabi ni Guzman sa panayam ng Radyo Todo na nagkaroon sila ng isang consultative meeting kasama ng mga chairman ng transportation sa bawat barangay, presidente ng bawat TODA at iba pang sektor nitong Biyernes para mapag-usapang mabuti ang problema sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Napag-usapan nilang dagdagan ng P3 ang pamasahe sa Brgy. Poblacion, Pook at Tinigaw.

Mula sa dating P12, nais na nilang gawing P15 ang pamasahe sa traysikel.

Samantala, idiniin naman ni Guzman na hindi rin nito hahayaang maagrabyado ang mga mananakay sa gitna ng oil price hike. MAS/RT