Connect with us

Aklan News

DATING PUSHER, MULING NATIKLO SA DRUG BUY BUST OPERATION

Published

on

Numancia – Muling natiklo ang dating pusher sa isinagawang drug buy bust operation dakong alas 8:45 ng umaga kahapon sa Brgy. Joyao-joyao, Numancia ng pinagsanib na pwersa ng PDEU-PDEA at Numancia PNP.

Nakilala ang suspek na si Loyd Aguirre Tumanon, 45 anyos , may asawa at dalawang anak at residente ng naturang lugar.

Narekober sa buy-bust operation ang (1) malaking sachet ng pinaghihinalaang shabu at P7K na budol money.

Samantala, sa isinagawang search operation base naman sa ipinalabas na search warrant ni Hon. Judge Bienvinido Barrios ng RTC 6, narekober naman sa loob ng kwarto ni Tumanon ang 3 malaking sachet at 6 na maliliit na sachet ng suspected shabu, 1 malaking sachet at 1 maliit na sachet ng suspected dried marijuana leaves na nakasilid sa isang tupperware at iba pang drug paraphernalia.

No description available.

 

Ayon kay PLCol. Frensy Andrade ng PDEU-Aklan, dalawang beses na umanong nahuli ng kanilang mga operatiba si Tumanon, ngunit ito ay naka avail ng Plea Bargaining Program ng gobyerno.

Itinuturing din niya itong “bigtime drug pusher” sa Numancia. Sa katunayan, kasalukuyan pa umanong nakakulong ang nakakatandang kapatid nito na nahuli rin noong 2019 sa isang dru buy bust sa Numancia Public Market.

Ayon kay Andrade dadalhin nila ang suspek sa Iloilo para isailalim sa drug examination pati na ang mga narekober na pinaghihinalaang droga ay isasailalim din sa laboratory test.

Nakatakda namang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Lunes ang naturang suspek.