Categories: Aklan News

Dating preso, binaril ng di kilalang suspek na kumatok sa kanyang kubo

Binaril ng di pa kilalang suspek/mga suspek ang isang 35-anyos na lalaki nitong Huwebes ng hatinggabi sa Brgy. Calizo, Balete.

Kinilala ang biktimang si Robert dela Cruz, ng Sitio Cabcaban, Calizo, Balete.

Ayon sa amain ng biktima, mag-isang naninirahan sa kanyang kubo sa bukid ang biktima.

Kwento umano nito, may kumatok sa kanyang kubo at pagbukas nito ng pinto ay bigla na lang siyang binaril ng suspek/mga suspek sa dibdib at tiyan.

Ayon naman kay PMAJ. Bryan Alamo, hepe ng Balete PNP, ang biktima ay itinuturong suspek sa mga nakawan sa kanilang lugar at dati na rin umano itong nakulong.

Batay pa sa ilang residente, nabugbog na rin ang biktima kamakailan lang.

Narekober ng mga pulisya ang tatlong empty shell ng bala sa lugar.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon kaugnay sa pagkakakilanlan ng suspek habang ang biktima ay kasalukuyang ginagamot sa ospital.

 

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

7 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago