Connect with us

Aklan News

Dating CAFGU at empleyado ng munisipyo nahulihan ng mga ilegal na armas at bala sa Madalag

Published

on

By

Arestado ang isang dating CAFGU at empleyado ng munisipyo matapos makuhaan ng mga ilegal na armas at bala sa loob ng kanyang bahay.

Sa bisa ng search warrant, nakuha kay Ronny Ningal ng Brgy. Alaminos, Madalag ang isang m16 rifle at magazine na may lamang 29 na mga bala.

Nagkaroon pa umano ng tensyon bago tuluyang naisilbi ang search warrant kay Ningal.

Dahil napaatras ang mga kapulisan nang patayin ni Ningal ang ilaw at nakitang hawak-hawak nito ang m16.

Pero nahimasamasan din ito at naiwasan ang anumang di inaasahang insidente

Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Laws on Firearms and Ammunition ang kahaharapin ni Ningal.