Connect with us

Aklan News

DALAWANG RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS SUMEMPLANG SA KALSADA

Published

on

Kalibo – Sugatan ang dalawang rider ng motorsiklo matapos sumemplang sa kalsada bandang alas 7:20 kagabi sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Quichie Estor Repiedad, 36 anyos ng Linabuan, Norte, Kalibo at Edwin Reynaldo Repedro, 45 anyos ng Guinbaliwan, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng pulis, galing sa isang gasolinahan at nagmane-obra pakaliwa papuntang Banga si Repedro nang magminor umano ito ng takbo nang mapansin ang humaharurot na nagmomotorsiklong si Repiedad na papunta rin sana ng Banga.

Mapalad sanang hindi nagkabanggaan ang dalawa, subalit kapwa parin sumemplang sa kalsada matapos parehong mawalan ng balanse.

Dahil dito, parehong nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa, kung saan dinala sa isang pribadong ospital para magpacheck up si Repedro, habang sa provincial hospital si Repiedad.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak ang huli nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *