Connect with us

Aklan News

DALAWANG MOTORSIKLO, NAGSALPUKAN, ISA PATAY

Published

on

disgrasya sa kalsada

Lezo — Isa ang patay habang isa ang confined sa ospital matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo bandang alas 11:00 kagabi sa Sta.Cruz, Bigaa, Lezo.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Ariel Nicodimus, 46 anyos, construction worker na taga Bigaa, Malinao, at ang nakabanggaan nitong si Prince Cyber Rivester, 20 anyos ng naunang nabanggit na lugar.


Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, nagmomotorsiklo galing sa direksyon ng Lezo papuntang Malinao si Nicodimus nang makabangaan nito ang kasalubong na si Rivester.

Resulta, parehong tumumba sa kalsada ang dalawa at kapwa nagtamo ng pinsala sa kani-kanilang katawan.

Kaagad silang dinala sa ospital ng mga taga MDRRMO Lezo at Malinao, subalit hindi na umabot ng buhay si Nicodemus, habang patuloy namang ginagamot sa ospital si Rivester.

Sinasabing kapwa nasa impluwensiya ng alak ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *