Connect with us

Aklan News

DALAWANG MOTORSIKLO, NAGSALPUKAN, 1 PATAY

Published

on

Photo courtesy of Altavas PNP

Altavas — Isa ang patay habang bali ang kaliwang paa ng isa pa sa salpukan ng 2 motorsiklo bandang alas 9:40 kagabi sa Lupo, Altavas.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Ronel Andres, 26 anyos ng Igang, Jamindan Capiz, at ang nakabanggaan nitong driver na si Dante Pareño, 26 anyos ng Lupo, Altavas.


Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, nagmomotorsiklo papuntang Poblacion, Altavas si Andres nang makabanggaan nito si Pareño matapos umanong mapunta sa kanyang linya ang huli.

Dahil dito, kapwa sumemplang sa kalsada ang dalawa at nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan.

Kaagad silang isinugod sa Altavas Hospital, subali’t binawian ng buhay alas 10:13 kagabi si Andres sanhi ng malubhang head injuries, habang
inilipat naman sa isang pagamutan sa Kalibo si Pareño dahil sa nabali nitong kaliwang paa.

Nabatid na kapwa nasa impluwensiya ng alak ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *