Connect with us

Aklan News

Dalawang motorsiklo, naaksidente; 3 sugatan

Published

on

File photo/Malbert Dalida

Makato, Aklan – Tatlo ang sugatan sa dalawang motorsiklo na naaksidente alas 6:55 kaninang umaga sa Mantiguib, Makato.

Nakilala ang mga biktimang sina Paul John Irabon, 22 anyos ng Libang; Aldrin Malisud, 20 anyos ng Aglucay, Makato at angkas nito sa motorsiklong si Jeffrey Melanio, 20 anyos ng Cayangwan, Makato.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, galing sa Libang at patawid na sana papuntang national highway ng Mantiguib si Irabon nang mabangga ng kasunod nitong sina Malisud.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang dalawang motorsiklo na nagdulot ng pinsala sa mga biktima.

Kaagad silang dinala sa ospital, habang naka impound sa Makato PNP Station ang kani-kanilang motorsiklo

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *