Categories: Aklan News

Dalawang lalaki arestado sa ilegal na sugal

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang dalawang naaresto dahil sa ilegal na sugal sa Calangcang, Makato.

Basi sa report ng Makato PNP, nakilala ang mga naarestong sina Noriel Tabiolo, 35 anyos ng Carugdog, Lezo at Ricardo Tana, 36 anyos ng Poblacion, Makato.

Naaresto ang mga suspek Martes ng hapon, matapos magsagawa ng Anti-Gambling Operation ang Makato PNP ng matunugan ang pagsusugal sa lugar ng mga suspek.

Narekober ng mga pulis ang kanilang ginamit na baraha sa paglalaro ng Pusoy Bahig, upuan,mesa at perang pusta sa nasabing sugal.

Sa ngayon ay temporaryong nasa kustodiya ng Makato PNP ang mga suspek kung saan nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw.

Share
Reynald Bandiola

Program/Beat: Reporter/Boracay Years/background in Media works: 10 years Why chose this profession: Passion Principle in life: “Do what You Love...

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

4 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

4 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

4 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

7 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago