Connect with us

Aklan News

DALAWANG DATING DRUG CONVICTS, MULING NAARESTO

Published

on

Kalibo, Aklan- KALABOSO ang dalawang lalakeng dating konbiktado sa pagbebenta ng droga, sa buy bust operation sa labas ng Aklan Rehabilitation Center sa Brgy Nalook, kaninang hapon.

Ito ay kinilalang sina Junny Cris Delonguines, 42 anyos, residente ng Oton, Iloilo at si Loid Rubias, 30 anyos na taga Tondog, Tangalan, Aklan.


Sila ay naaresti ng pinagsanib na pwersa ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Kalibo municipal police station.

Ayon kay PDEU Aklan Chief Major Frenzy Andrade na nakatransaksyon na nila kaninang umaga si Delonguines kung saan bumisita ito sa isang inmate sa ARC at kasabwat si Rubias.

Narekober sa kanila ang 2 plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng 4,500 pesos na marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ayon kay Andrade, si Delonguines talaga ang kanilang man target dahil mamonitor nila itong aktibo sa pagdadala ng droga sa Akkan mula sa Iloilo.

Napag-alamang nahuli na dati sa droga ang dalawa at nakalabas lang dahil sa Plea Bargaining Agreement sa korte.

Sila ngayon ay muling mahaharap sa kasong paglabag Section 5 of Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *