Connect with us

Aklan News

DALAWANG CONGRESSIONAL CANDIDATE SA AKLAN, NAG-REQUEST NG COMELEC GUN BAN EXEMPTION

Published

on

Nag-request ng Comelec gun ban exemption ang dalawang kandidatong tumatakbo sa pagka-kongresista mula sa dalawang distrito sa lalawigan ng Aklan para sa kanilang mga personal firearms.

Ayon kay P/Major Willian Aguirre, Provincial Intelligence Unit head ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang request ng dalawang congressional candidate ay inaprubahan naman ng Comelec batay na rin sa kanilang mga polisiya at guidelines.

Aniya, bago inaprubahan ang kanilang mga request ay isinailalim muna nila ang mga ito sa threat assessment batay sa mga reports sa kani-kanilang mga munisipalidad kung saan sila nakatira.

Dagdag pa ni Aguirre na napatunayan din sa kanilang evaluation na may mga posibilidad ng immenent danger in terms of their persons kung saan kinakailangan nilang-exempt ang kanilang mga rehistradong baril para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, inihayag ni P/Major Aguirre na mayroon isang miyembro ng PNP ang ni-request ng isang kandidato mula sa eastern district ng Aklan para sa kaniyang seguridad.

Binigyan-diin ni Aguirre na ito ay may limitasyon at dumaan sa proseso mula sa Provincial Director hanggang sa Regional Director bago inaprubahan ng Comelec.

Paglilinaw nito na ito’y hindi isang klase ng pagbibigay ng security escort kundi ito ay para magbigay lamang ng seguridad sa kandidato batay sa kanilang request at dapat nakasuot ng uniporme habang nagsisilbing campaign sortie.