Connect with us

Aklan News

DALAWA, SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKO

Published

on

Makato – Dalawa ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo bandang alas 5:00 kahapon sa highway ng Dumga, Makato.

Nakilala ang mga biktimang sina Rogelio Tabanera Baylon, 77 anyos ng Tina, Makato at Joebert Castillo Fernando, ng Calimbajan, Makato na isang construction worker.


Base sa imbestigasyon ng Makato PNP, binabaybay ng nagmomotorsiklong lolo ang highway galing Poblacion papuntang barangay Tina nang mangyari ang aksidente.

Paliko na umano kasi ito sa isang furniture shop nang mag-overtake at sumalpok sa kanya ang nagmomotorsiklo ring si Fernando na pauwi na galing Kalibo.

Resulta, kapwa sumemplang sa kalsada ang dalawa at nasugatan na kaagad namang dinala ng Makato MDRRMO sa provincial hospital.

Pansamantala namang in-impound sa Makato PNP Station ang kani-kanilang motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *