Connect with us

Aklan News

DALAWA SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MINAMANEHONG MOTORSIKLO

Published

on

Photo Courtesy: MDRRMO Buruanga

Buruanga – Sugatan ang dalawang lalaki matapos maaksidente sa motorsiklo kahapon sa Brgy. Katipunan, Buruanga.

Nakilala ang mga biktimang sina James Fuentes, 18 anyos at Phil Russell Prado, 45 anyos lahat residente ng Poblacion, Buruanga.

Ayon sa pamilya ng mga biktima galing Hinugtan beach ang mga ito at papuntang Brgy. Tigum Buruanga kung saan nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo matapos makaidlip ang driver ng motor na si Fuentes.

Dahil dito aksidenteng bumangga sa poste ang motorsiklo kung saan tumilapon ang mga biktima at nahulog sa tulay at parehong nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan na unang dinala sa Buruanga hospital na kalaunan ay inilipat sa Aklan Provincial Hospital.

Ayon pa sa pamilya ng mga biktima na nakainum ang mga ito ng mangyari ang insidente

Images: MDRRMO Buruanga