Connect with us

Aklan News

DALAWA, SINAKSAK NG KAINUMAN; SUSPEK SUMUKO

Published

on

Makikita sa larawan ang itinuturong suspek na si Jhon Eddie Carillo.

Dalawa ang sugatan matapos saksakin ng mismong kainuman mag-aalas 2:00 kaninang madaling araw sa Bulwang, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Dan Testa, 24 anyos, at Erron Cipriano, 20 anyos, habang nakilala naman ang kainuman nilang suspek na si Jhon Eddie Carillo, 18 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, magkasamang nag-iinuman noon ang mga biktima, ang suspek at ilan pa nilang kaibigan nang magtalo umano ang suspek at isa nilang kainuman na nakilala lamang sa pangalang Rod Reyes.

Inawat umano sila ni Dan, subali’t bigla na lamang umano siyang sinaksak ng suspek.

Doon narin umano sumaklolo kay Dan si Erron, subali’t siya naman ang sinaksak ng salarin.

Kapwa nagtamo ng sugat sa dibdib ang dalawa at isinugod sa ospital, habang mabilis na tumakas ang suspek na sumuko naman alas 9:00 kaninang umaga sa Numancia PNP Station.

Kaagad naman siyang inaresto at ikinustodiya ng mga pulis habang inihahanda ang kasong Frustrated Homicide na isasampa laban sa kanya.

Advertisement

Samantala, sa panayam ng Radyo Todo, iginiit naman ng suspek na siya ang unang pinagtulungang bugbugin ng mga biktima at dumepensa lamang umano ito laban sa kanila.

“Kabatas ako pata mauna nga andang lugar to, dayo malang ako,” aniya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *