Connect with us

Aklan News

DALAWA, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang dalawang naaresto dahil sa ilegal na sugal bandang alas 3:50 kahapon ng hapon sa Sitio Centro, Ochando, New Washington.

Nakilala ang mga suspek na sina Neil Dustine Polonan, 18 anyos at Maybel Sorilla, 27 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon sa New Washington PNP, nadatnan nila ang mga suspek na naglalaro ng ‘Forty one’ (41) sa inilatag nilang banig sa labas umano ng bahay ni Polonan.

Kasunod nito, naaresto ang suspek at narekober ang 1 set ng baraha, kabuuang P818.00 na pera at banig na kanilang ginamit.

Pansamantala silang ikinustodiya sa New Washington PNP Station at sasampahan na ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Law ngayong araw.