Connect with us

Aklan News

DALAGITA, SUGATAN MATAPOS MABANGGA NG MOTORSIKLONG UMIWAS SA CHECK POINT

Published

on

Sugatan ang isang 12 anyos na dalagita matapos mabangga kagabi ng motorsiklong umiwas sa check point.

Base sa report ng Kalibo PNP, kaagad isinugod sa ospital ang dalagita, habang dinakip naman ang driver ng motorsiklong si Jomar Nama, 26 anyos ng Singay, Madalag, at angkas nitong si Kevin Rivera, 26 anyos ng Tinapuay, Banga para panagutin.


Todo Media Magazine

Base sa report ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo noon papuntang Banga ang dalawa nang makita umano nila ang check point ng mga pulis kung kaya’t mabilis umano silang nag-Uturn para makaiwas.

Kaagad naman silang hinabol ng mga pulis hanggang sa border ng Purok 6 at Purok 1 ng C.Laserna St., Poblacion, Kalibo, at doon naman nabangga ng nasabing motorsiklo ang tumatawid na biktima.

Maliban dito, sinasabing nabangga rin nila ang isang nakaparadang motorsiklo sa lugar.

Samantala, nabatid na kagabi rin mismo nang nagkasundo ang magkabilang panig kaugnay sa ginastos ng pamilya ng biktima sa ospital matapos din itong gamutin at ilabas.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.