Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ‘AWAY AT SELOS’, COOK SA MALAY KINITIL ANG SARILING BUHAY

Published

on

Malay – Nagbigti-patay ang isang 23 anyos na lalaki gamit ang sinturon sa isang baranggay sa bayan ng Malay kahapon ng madaling araw.

Tubong Masbate City ang biktima na isang cook at kasalukuyang naninirahan sa Malay.


Base sa imbestigasyon ng Malay PNP, nakita ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kwarto sa tinitirhang apartment. Posible pa umanong uminom pa ito dahil sa nakitang bote ng alak na nangangalahati ang laman bago nagpatiwakal.

Nadiskubre din ng kapulisan ang conversation niya sa kanyang nobya mga alas 12:20 ng madaling-araw kahapon sa messenger na nagsasabing magpapakamatay ito dahil sa nag-away sila at sa selos.

Wala naman umanong nakikitang foul play ang mga otoridad sa pagkamatay ng biktima.

NOTE:
Kung may problema ka at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:
National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines:

0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *