Connect with us

Aklan News

DAHIL SA TONG-ITS, TATLO, KALABOSO

Published

on

Kalaboso ang isang lolo at ang dalawang kasama nitong babae matapos umanong maaktuhan na naglalaro ng tong-its kaninang hapon sa Sitio Talipapa, Pook, Kalibo.

Nakilala ang 75-anyos na lolo na si Orlando Pastrana, at mga kasama nitong sina Jacquiline Villar, 52-anyos, at Josie Dela Cruz, 50-anyos. Ang tatlo ay pare-parehong residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Kalibo PNP, nagsasagawa noon ng monitoring sa lugar ang kanilang intel operatives nang makitang naglalaro ng tong-its ang tatlo.

Kaagad silang inaresto ng mga pulis at narekober ang 1 set ng baraha, kabuuang P406.00 na pera, pati ang mesa at 3 upuang ginamit nila.

Kasunod nito, kaagad silang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, aminado naman ang nasabing lolo sa kanilang ginawa bilang pampalipas oras lamang sana, habang tumanggi namang magbigay ng pahayag ang kanyang mga kasama.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *