Connect with us

Aklan News

DAHIL SA TONG-ITS, TATLO ARESTADO

Published

on

Arestado ang 1 lalaki at dalawang babae alas-4:30 kaninang hapon sa Nalook, Kalibo, dahil sa tong-its.

Base sa report ng Kalibo PNP, kaagad silang nagsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na pagsusugal sa nasabing barangay.

Dito na naaktuhang naglalaro ng tong-its ang tatlo, at agad ding inaresto. Nakilala ang mga suspek na sina Teddy Tomasar, 57-anyos; Helen Dela Cruz, 61-anyos; at Melyn Cervantes, 59-anyos, na pare-parehong residente ng Nalook.

Kasunod nito, narekober ang 1 set ng baraha, kabuuang P243.00 na pera, gayundin ang mga upuan at mesang ginamit ng mga suspek sa pagsusugal.

Pansamantala naman silang ikinostodiya ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *