Connect with us

Aklan News

Dahil sa sigarilyo, lalaki sinaksak ng bayaw

Published

on

Sinaksak ng isang lalaki ang sariling bayaw dahil lamang sa paghingi nito ng sigarilyo bandang alas 10:30 kagabi sa Cabayugan, Malinao.

Kinilala ng Malinao PNP ang biktimang si Jomar Sorilla, 28 anyos at ang suspek naman ay si Eric Isuga, 28 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Malinao PNP, magkakasama ring nag-iinuman ang magbayaw nang magdiskusyon umano ang mga ito dahil sa paghingi ng biktima ng sigarilyo sa suspek.

Nauwi umano sa komosyon ang diskusyon, hanggang sa sinaksak ng suspek ang biktima sa kanang kilikili.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang agad ring naaresto ang suspek na umuwi sa kanilang bahay matapos ang insidente.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Malinao PNP Station para sa karampatang disposisyon, habang hindi na narekober pa ang ginamit nitong patalim.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *