Connect with us

Aklan News

DAHIL SA SELOS, BABAE TINADTAD NG SAKSAK NG KA-LIVE-IN

Published

on

Pitong tama ng pananaksak sa katawan ang tinamo ng isang misis mula sa kanyang kalive-in partner sa Brgy. Lupo, Altavas, Linggo ng umaga.

Ayon sa pahayag ng biktima, madalas nilang pag-awayan ng kanyang live-in partner na si Isaac Katuiran ang pagseselos nito.


Bago maganap ang insidente, umuwi ang biktima sa bahay ng kanyang anak at doon natulog dahil sinaktan siya ni Katuiran.

Pero kinaumagahan ay sumugod sa kanila ang suspek at tinadtad siya ng saksak na tumama sa kanyang, tiyan, likod, tagiliran at balikat.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima dahil sa mga tinamong sugat nito. Samantala, dinala naman sa Altavas PNP station ang suspek.

Nagkasundo naman ang dalawa na babayaran nalang ng suspek ang lahat ng gastos sa ospital para hindi na magsampa ng kaso kaya nakalabas kaagad ng kulungan si Katuiran.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *