Connect with us

Aklan News

DAHIL SA PUMUTOK NA GULONG, ELF TRUCK BUMANGGA SA POSTE

Published

on

Agaw-pansin sa mga biyahero partikular ang mga papuntang Kalibo ang isang elf truck na bumanggga umano sa poste sa highway ng Odiong, Altavas pasado alas 12:00 kaninang tanghali.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, galing sa Roxas City at papunta ang truck na minameneho ni Rony Dela Cruz, 39 anyos ng New Washington, Aklan nang pumutok umano ang kanang gulong nito sa unahan.


Sanhi nito, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver rason naman na umikot at bumangga sa street light o poste ang nasabing sasakyan.

Mapalad namang hindi nasugatan ang driver at kasama nitong si Horlito Rependor, o ang sinuman sa mga residente sa lugar.

Samantala, nabatid na pagmamay-ari ng nasabing barangay ang nabanggang poste, na nauwi naman sa isang kasunduan kung saan binayaran ng driver ng P 1,500.00 kay kagawad Necodemos, ng Barangay Odiong ang pinsalang iniwan ng aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *