Connect with us

Aklan News

DAHIL SA PAG-IWAS SA HIGHWAY PATROL GROUP, MOTORSIKLO SUMALPOK SA ISA PANG MOTORSIKLO

Published

on

Image: Nabas Municipal Police Station (This photo is for illustration purposes only)

Nabas – Kapwa sugatan ang dalawang rider ng motorsiklo matapos magkasalpukan kahapon, araw ng Huwebes sa highway ng Union, Nabas.

Nakilala ang mga biktimang sina Lorenzo Ruiz Portoza, sa legal na edad ng Silay City, Negros, at JM Eric Bantang ng naunang nabanggit na lugar.


Todo Media Magazine

Base sa imbestigasyon ng pulis, kapwa papunta sa direksyon ng Caticlan ang dalawa nang mangyari ang insidente matapos bigla umanong lumiko pabalik ang rider na si Bantang nang makita umano ang mga taga Highway Patrol Group sa unahan.

Resulta, nakasalpukan umano nito ang rider na si Portoza kung kaya’t kapwa sila nagtamo ng minor injuries sa kani-kanilang katawan.