Connect with us

Aklan News

DAHIL SA NAHULOG NA HELMET, MOTORSIKLO BUMANGGA SA TRUCK; TATLO SUGATAN

Published

on

Tatlo ang sugatan matapos aksidenteng bumangga ang isang motorsiklo bandang alas 8:45 kaninang gabi sa Linabuan Norte, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang magkapatid na sina George at Ronilo Victoriano, pawang nasa legal na edad at residente ng Mambog, Banga, at isa pang rider ng motorsiklo na si Jayralph Nacino Reteo, 26 anyos ng Fulgencio, Balete.


Base sa inisyal na imbistigasyon, nagmomotorsiklo umano ang magkapatid galing Kalibo pauwi ng Banga, nang mahulog umano sa kalsada ang helmet ng driver na si George.

Nilingon umano ito ng nasabing driver, subali’t hindi na umano nito namalayang napunta na sila sa linya ng pasalubong na truck na minamaneho naman ni Almir Castro Almine, 31 anyos ng Poblacion, Altavas, na papunta naman sana ng Kalibo.

Dahil dito, sinalpok nila ang truck bago bumangga pa sa nagmomotorsiklo ring si Jayralph na patungo ring Banga.

Kapwa sumemplang sa kalsada ang mga motorsiklo, rason na nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang magkapatid na kaagad ring dinala sa provincial hospital, habang sa St. Jude Hospital naman si Jayralph.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Kalibo PNP station ang mga sasakyang nasangkot sa aksidente para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *