Connect with us

Aklan News

DAHIL SA MADULAS NA KALSADA, SUV, BUMALIKTAD 1 PASAHERO SUGATAN

Published

on

Isa ang napaulat na sugatan matapos aksidenteng bumaliktad ang isang SUV alas 12;30 kaninang madaling araw sa highway ng Mambog, Banga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP, galing Caticlan papuntang Iloilo ang SUV na pagmamay-ari ni Serad Datu Abuat ng Balabag, Boracay, sakay ang pasaherong si Omar Rombraan, 25 anyos ng Manocmanoc, Boracay.

Sinasabing nag-overtake umano sa isang bus ang SUV, subali’t mabilis umano ang takbo nito sa madulas na kalsada rason na nagpagiwang-guwang muna bago bumangga ang likuran nito sa isang gate, umikot bago bumangga din doon ang harapan ng SUV, at tuluyang bumaliktad.

Resulta, wasak ang halos buong SUV, at sugatan ang biktimang si Robraan, na nagtamo pinsala sa katawan.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang sinasabing tumakas ang hindi pa nakikilang driver ng SUV matapos ang insidente.

No description available.