Connect with us

Aklan News

DAHIL SA MADULAS NA DAAN, TRAYSIKEL, NAHAGIP NG MULTICAB

Published

on

Numancia – Sakit ng likod ang iniinda ngayon ng isang drayber matapos itong tumilapon mula sa minamanehong traysikel nang aksidenteng mahagip ng multicab kaninang tanghali sa highway ng Bulwang, Numancia.

Nakilala ang traysikel drayber na si Samson Guibao, 43 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia, habang nakilala naman ang drayber ng multicab na si Margarito Gubaton, 47 anyos ng Tagbaya, Ibajay.

Base sa imbestigasyon ng pulis, kakalabas lamang noon ng traysikel mula sa gasolinahan, nang mahagip ng multicab na kapwa rin nitong papunta sa direksyon ng Numancia.

Sa lakas ng pagkakabangga, sinasabing nahulog mula sa traysikel si Guibao, rason ng iniinda nitong sakit sa likod.

Bagama’t wala naman itong sugat sa katawan, minarapat paring dalhin sa rural health unit si Guibao matapos ang insidente
para masuri at ma x-ray.

Ayon pa sa Numancia PNP, tinanggap naman umano ng biktima ang paghingi ng paumanhin ng drayber na si Gubaton kung kaya’t nauwi sa areglo ang insidente.

Samantalà, maliban sa may kabilisan umano ang takbo ng multicab, sinasabing madulas ang kalsada simula pa nitong nakaraang araw sanhi ng maulang panahon.

Advertisement

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng Numancia PNP sa pagmamaneho ang mga drayber lalo pa’t madulas ang kalsada bunsod ng pag-ulan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *