Connect with us

Aklan News

Dahil sa kalasingan, lalaki tinaga ng kainuman

Published

on

Confined pa ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos tagain ng mismong kainuman pasado alas 3:00 kahapon ng hapon sa Archangel, Balete.

Nakilala ang biktimang si Gary Delos Reyes, 44 anyos ng Sitio Pueahan, Archangel, Balete, at ang suspek na si Ademar Teodosio, 50 anyos ng Sitio Daemo, ng nasabi ring barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulis, magkasama ring nag-inuman sa bahay ni Jimmy Florencio ang biktima at suspek, hanggang sa nagkadiskusyon dahil sa kalasingan at bumunot ng itak ang suspek at tinaga sa kanang paa ang biktima.

Kusa namang sumuko sa mga rumesponding pulis ang suspek na pansamantala namang ikonostodiya sa Balete PNP Station.