Connect with us

Aklan News

Dahil sa face shield, traysikel drayber sa Boracay naaksidente

Published

on

Posibleng maputulan ng isang daliri ang isang traysikel drayber sa Boracay makaraang maaksidente nitong nakaraang Linggo, alas-2 ng hapon habang nasa daan.

Kwento ng 28-anyos na drayber, nanlalabo ang kanyang paningin sa tuwing suot niya ang face shield habang nagmamaneho ng traysikel.

Biglang nagpreno ang biktima dahil inakala daw niya na malayo pa ang kanyang distansya sa kasunod na sasakyan.

Nagresulta ito na maipit ang kanyang daliri sa paa na nanganganib na maputol.

Dinala ang biktima ng Boracay Fire Rescue and Volunteers, Inc. sa Ciriaco Tirol Hospital at ni-refer sa isang ospital sa Kalibo.