Connect with us

Aklan News

DAHIL SA DATING ALITAN, 2 SUGATAN SA INSIDENTE NG PANANAGA

Published

on

Makikita sa larawan ang isa sa mga biktima ng panananaga na si Michael Beltran.

Dahil umano sa dating alitan, dalawa ang sugatan sa insidente ng pananaga bandang alas 6:30 kagabi sa Sitio Diwani, Rivera, Libacao.

Nakilala ang mga nasugatang sina Michael Beltran, 47 anyos at Arnel Beltran, 41 anyos, at ang nakalitan nitong si Lito Samenio, 58 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, pauwi na noon si Arnel nang makasalubong umano nito sina Lito at Michael.

Kasunod nito, nagkasitahan umano at nagtagaan sina Arnel at Lito na kaagad namang inawat ni Michael.

Subali’t ang siste, si Michael naman ang tinamaan ni Arnel sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na kaagad namang dinala sa ospital.

Kaugnay pa nito, sinasabing binato umano ni Arnel ng kanyang jtak si Lito, subali’t hindi ito tinamaan.

Doon naman umano pinulot ni Lito ang itak at ginamit sa pagtaga kay Arnel sa kanyang paa.

Advertisement

Kapwa naman silang nasa kustodiya sa Libacao PNP para sa karampatang disposisyon.