Connect with us

Aklan News

DAHIL SA BIRO, LALAKI HINAMPAS NG KAWAYAN NG KAINUMAN

Published

on

Tangalan – Sugatan ang isang lalaki matapos na hampasin nang pinutol na kawayan sa iba’t ibang parte ng katawan nang kanyang kainuman kagabi sa Brgy. Tagas, Tangalan.

Nakilala ang biktimang si Lebert Tiaga, 29 anyos residente nang nasabing lugar, samantala ang suspek ay nakilala naman sa alyas “Miyo”. 


Base sa bantay ng biktima nangyari ang insidente sa bahay mismo nang suspek.

Habang nag iinuman ang mga ito nagbiro ang biktima na sya namang ikinagalit ng suspek at kumuha nang putol na kawayan at inihampas dito.

Nagtamo ng sugat sa ulo, balikat at iba pang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang isinugod sa Aklan Provincial Hospital.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *