Connect with us

Aklan News

Dahil sa aso, ginang sugatan matapos maaksidente sa motorsiklo sa bayan ng Makato

Published

on

By

Sa ospital ang bagsak ng isang ginang matapos na maaksidente sa sinasakyang motorsiklo dahil sa tumawid na aso sa barangay Cabatanga, Makato.

Kinilala ang biktima na si Allen Tonic, sa legal na edad at residente ng nabanggit na lugar.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima at kaagad namang dinala sa ospital para sa karampatang paggamot.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, patungo sanang Poblacion Makato ang biktima kasama ang kanyang anak ng mangyari ang aksidente.