Connect with us

Aklan News

Construction worker, sinapote ng katrabaho

Published

on

Photo courtesy| http://pilipinomirror.com

Boracay – Isang construction worker ang sinapote ng katrabaho sa Sitio Cagban Brgy. Manocmanoc, Boracay, kahapon mga bandang 12:40 ng tanghali.

Nakilala ang biktima na si Antonio Jaluan Escobedal, 45 anyos residente ng Poblacion Ilawod, Capiz at kasalukuyang nakatira sa nasabing lugar.


Samantala nakilala naman ang suspek na si Ruby Sobrebelio, sa legal na edad at residente rin ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Boracay Pnp nag-iinuman umano ang biktima kasama ang ibang kasamahan nito sa trabaho ng biglang dumating ang suspek at inabutan ng biktima ng isang boteng alak.

Napansin umano ng biktima na may dalang kutsilyo ang suspek at ibinaon ito sa buhangin kaya pinagsabihan niya ito.

Nang papaalis na umano ang biktima ay bigla siyang pinagsusuntok ng suspek.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktima na kaagad namang nag-report sa Boracay Pnp.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *