Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER, HINAMPAS NG FLASHLIGHT SA ULO

Published

on

Numancia – Sugatan ang isang construction worker matapos hampasin ng flashlight pasado alas 12:00 kaninang hating-gabi sa Joyao-joyao, Numancia.

Nakilala ang biktimang si John Lorence Bisate, 27 anyos, at ang suspek na si Berman Naingue, sa legal na edad, at kapwa residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, natutulog sa kanilang bahay ang biktima nang tawagin umano ng suspek at hinampas ng flashlight sa ulo. Dahil dito, nasugatan ang biktima na kaagad ding dinala sa ospital, habang tumakas ang suspek at hindi na nakabalik sa barangay check point kung saan umano ito nagbubuluntaryong magbantay.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin sa kapitan at mga tanod ang Numancia PNP para madakip at mapanagot ang suspek. Patuloy pang inaalam ng mga pulis ang motibo ng suspek sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *