Connect with us

Aklan News

COMMAND VISIT NI PNP CHIEF PGEN. GUILLERMO ELEAZAR SA AKLAN PPO, NGAYONG ARAW NA

Published

on

Photo| Pnp.gov.ph

Ngayong araw na ng Biyernes, ikaw walo ng Oktubre ang command visit sa Aklan PPO ni PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar.

Bahagi ito ng kanyang inilunsad na ICP o Intensified Cleanliness Policy na bahagi naman ng marching order ni Pangulong Duterte na Aggressive Internal Cleansing sa hanay ng kapulisan sa buong bansa.

Kaugnay nito, inaasahang iinspeksyunin ni Eleazar ang kalinisan sa loob ng Aklan PPO, maging ang Kalibo PNP Station, katulad ng kanyang ginawa sa iba pang municipal police stations.

Dahil dito din dito, nakaalerto naman ang lahat ng mga police stations sa pagdating ni Eleazar, na siyang kauna-unahang PNP Chief na nag-ikot sa bansa para sa tinaguriang internal cleansing.

Si Eleazar ang ika 26 na hepe ng Philippine National Police na naglunsad ng Intensified Cleanliness Policy nang palitan niya si dating PNP Chief Debold Sinas nitong nakaraang May 7, 2021.