Connect with us

Aklan News

Cock house ng dating SB member, nasunog

Published

on

Photo| Malbert Dalida/Radyo Todo

Nasunog ang cock house o bahay ng mga manok na panabong ni dating SB Member Rudy Erenia sa Pusiw, Numancia, bandang alas 8:45 kagabi.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Erenia, natutulog na siya kagabi nang marinig niyang tumatawag ang kanyang mga kapit-bahay na nasusunog na pala ang kanyang cock house.

Dali-dali umano siyang lumabas at nakita niyang malaki na ang apoy.

Laking pasalamat umano siya sa kanyang mga kapit-bahay na mabilis na nagtulong-tulong kasama ang mga taga BFP Numancia upang patayin ang apoy.

Ayon pa kay Erenia, posibleng sa linya ng kuryente ng cock house nagsimula ang apoy na nag-iwan ng humigit-kumulang P50,000.00 na pinsala, maliban pa sa dalawang manok na panabong na niluto pa umano at pinulutan ng mga tumulong sa pag-apula ng apoy.

Samantala, wala namang nasugatan sa nasabing sunog na gumising sa mga residente sa lugar.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *