Connect with us

Aklan News

CHIEF TANOD, SINAKSAK NG LASING NIYANG KUYA

Published

on

New Washington – Isinugod sa ospital ang isang chief tanod matapos saksakin ng kanyang kuya bandang alas 9:30 kagabi sa District 4 ng Pinamuk-an, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Jenel Del Carmen Dela Cruz, at ang kuya niyang suspek na si Jemeniano, pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng New Washington PNP, naghahamon ng away ang lasing na suspek na may dalang kutsilyo, dahilan upang lumabas ang biktima upang sawayin ito. Subalit sinaksak siya ng kanyang kuya sa iba’t-ibang parte ng katawan at kaagad na tumakas.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis ang nasabing salarin.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *