Connect with us

Aklan News

CBTMPC, BALIK-BIYAHE NA BUKAS

Published

on

Malay, Aklan – BALIK BIYAHE NA ANG MGA BANGKA NG CATICLAN BORACAY TRANSPORT MPC ALAS 6 BUKAS NG UMAGA.

Ayon kay CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa, sinabi na sa kanila ni Malay Transportation Officer Cezar Ocson na pumayag na si Mayor Frolibar Bautista na bumiyahe ang mga bangka.

Nakahanda naman diumano ang kanilang mga bangka para rito.

Ayon kay Sadiasa, mahigpit nilang ipapatupad ang pagpapasakay ng 50 percent lang ng seating capacity para sa physical distancing.

Bago pa man nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine ay ginagawa na ito ng CBTMPC.

Umpisa May 1 ay isasailalim na sa General Community Quarantine ang Aklan at pinapayagan na ang pagbiyahe ng public transporation sa loob ng probinsya at dapat at may physical distancing ang mga pasahero.