Connect with us

Aklan News

Capiz CIDG Agent arestado matapos mahulihan ng baril at mga bala

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang isang Crime Investigation and Detection Group Agent matapos itong mahulihan ng baril at mga bala.

Kinilala ang suspek na si Depee Dorado, 28-anyos, isang driver at CIDG Agent, residente ng Poblacion, Ilaya, President Roxas, Capiz.


Naganap ang insidente umaga ng Huwebes sa Roxas Ave., Brgy. VIII, Roxas City.

Ayon sa salaysay ng biktima na si Rodulfo Bialen sa Roxas City PNP, nagtalo umano silang dalawa ng suspek matapos magbanta ang suspek na iri-raid ang kanyang bahay.

Sinuntok ng biktima ang supek sa mukha at inagaw ang isang waist bag sa paniniwalang may dalang baril ang suspek saka humingi ng tulong sa kapulisan.

Nasabat ng Roxas City PNP sa suspek ang isang Taurus 9mm na may isang magazine laman ang 14 live ammunition, isa pang magazine na may 15 live ammunition, at isang CIDG Agent ID.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Firearm and Ammunition Act ang suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *