Connect with us

Aklan News

Canadian national, inaresto matapos manuntok ng 2 beach guard sa Boracay

Published

on

By

Kasong Direct Assault Upon an Agent of Person in Authority ang kahaharapin ng isang turista matapos manuntok ng dalawang beach guard sa Boracay Island nitong Lunes, Marso 13.

Kinilala ang mga biktimang sina Jhoven Daog, 23, ng Sitio Cagban Babaw, Brgy. Manocmanoc, Boracay at Jomar Viray, 23, residente ng Sitio Tulubhan, Brgy. Manocmanoc habang ang suspek naman ay kinilalang si Robert James Vaughan, 38 anyos, isang Canadian national.

Nangyari ang insidente kahapon ng madaling araw sa harap ng isang bar sa Station 2, Balabag, Boracay habang naka-duty ang dalawang beach guard.

Napansin nila ang lasing na suspek na nagwawala at nanghahamon ng away sa mga tao sa lugar.

Sinubukan ng dawala na patigilin ang suspek pero nagpatuloy pa rin ito at hinamon pa sila ng away.

Sinuntok nito si Daog sa dibdib at gayundin si Viray.

Dahil dito, inaresto si Vaughan at ikinustodiya sa Malay PNP station para sa karampatang disposisyon.