Connect with us

Aklan News

BUSSINESS HOURS SA AKLAN, PAHIHINTULUTAN MULA 8:00 NG UMAGA HANGGANG 6:00 NG GABI

Published

on

Pahihintulutan lamang ang mga business at commercial establishments na mag-operate simula 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi umpisa bukas.

Maliban lamang sa mga bangko na balik sa normal na oras ng pagtatrabaho simula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.


Papayagan lamang na mag operate simula alas 6:00 umaga hanggang alas 6:00 ng gabi ang mga public markets, supermarkets, convenience stores, sari-sari stores, pharmacies, drugstores, water refilling stations, gasoline stations, media establishments at bakeries.

Samantala pinalitan rin ang curfew hour simula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Bawal pa ring lumabas ang edad 21 pababa, 60 anyos pataas, maging ang mga buntis na sa edad 22 hanggang 59 anyos.

Strikto paring pinatutupad ang pagsuot ng face mask at paggamit ng alcohol kapag papasok sa mga establisyemento o bilihan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *