Connect with us

Aklan News

BURUANGA, PINAKAAPEKTADO NG BAGYONG JOLINA SA AKLAN

Published

on

By

Pinakaapektado raw ang bayan ng Buruanga sa Aklan dahil sa paghagupit ng bagyong Jolina.

Ayon kay Manuel Jayfree Jizmundo, LDRRMO II, may iilang minor incidents na naiulat sa lalawigan bunsod ng bagyo at isa sa mga pinakaapektado ang Buruanga.

May mga lugar kasi sa nasabing bayan na binaha at may mga nangyaring pagguho ng lupa partikular sa Brgy. Panilungan.

Pero maari pa rin naman umano itong madaanan ng anumang uri ng sasakyan.

Dagdag pa niya, walang dapat na ipag-alala sa Madalag at Libacao dahil nasa normal pa rin ang water level doon.

Ayon sa DOST-PAGASA, tinanggal na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa lahat ng lugar sa Visayas as of 8:00AM.