Connect with us

Aklan News

Buong bahay tinupok ng apoy sa Boracay

Published

on

By

Photo Courtesy: Hyugo Kageyama/Celina Supetran Tejada

Nagsitakbuhan ang mga residente matapos lamunin ng isang malakas na apoy ang isang bahay sa Brgy. Balabag sa isla ng Boracay ngayong Huwebes ng hapon.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Punong Barangay Jason Talapian na isang malaking bahay ang totally burned dahil sa lakas ng apoy habang partially burned naman ang katabing gusali nito makaraang madamay ang ikatlong palapag.

Batay sa paunang ulat, malakas ang hangin kaya mabilis na lumaganap ang apoy na nagpahirap sa mga bumbero sa pag-apula ng sunog.

Nahirapan din umano ang mga responders na mag-reload ng tubig dahil sa masikip ng kalsada.

Mayroon ring ilang residente na nasugatan at napaso pero maswerte naman na minor injuries lang ang tinamo ng mga ito.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga taga Bureau of Fire Protection para matukoy kung ano ang pinagmulan ng apoy.