Connect with us

Aklan News

Boracay pasok sa Top 10 Favorite Islands sa 2024 DistinAsian Readers’ Choice Awards

Published

on

By

Pumwesto ang Boracay Island bilang ikalima sa Top 10 Best Islands in Asia base sa 2024 DestinAsian Readers’ Choice Awards.

Nangunguna sa ang Bali, Indonesia sa top ten batay sa Singapore based foreign travel magazine na DestinAsian.

Sinundan ang Bali ng Maldives, pangatlo ang Phuket, Thailand at Koh Samui, Thailand ang ikaapat.

Batay sa tala ng Malay Municipal Tourism Office, mayroon nang 904, 026 tourist arrivals ang Boracay mula January 2024 hanggang May 2024.

Target naman ng lokal na pamahalaan na maabot ang 2.3 million tourist arrivals bago matapos ang taong kasalukuyan. MAS