Connect with us

Aklan News

BORACAY, MAY BAGONG COVID-19 POSITIVE

Published

on

boracay-covid19-update

Isa na namang kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw sa probinsya ng Aklan ayon sa Aklan Provincial Health Office.

Ang confirmed case #33 ng Aklan ay isang 51 anyos na Authorized Person Outside the Residence (APOR) na taga Guimbal, Iloilo at dumating sa Malay nitong ika-11 ng Agosto.

Nakaramdam siya ng lagnat at sakit sa lalamunan dalawang araw matapos dumating ng Aklan na kung saan nagpakunsulta siya sa Alert Medical Clinic sa Boracay bilang out patient.

Ni-refer ang pasyente sa Malay LGU para sa quarantine at kinuhaan siya ng Rapid Test pero negatibo ang naging resulta nito.

Nitong August 19, kinuhaan din siya ng swab test at ipinadala sa Western Visayas Medical Center at lumabas na positibo ito sa COVID-19.

Kasalukuyan na itong asymptomatic at patuloy na naka-quarantine.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga otoridad sa mga nakasalumuha at kasamahan nito.