Connect with us

Aklan News

BORACAY ISLAND, HANDA NA SA PAGTANGGAP NG TURISTA MULA NCR PLUS

Published

on

Handa na ang Boracay Island na tumanggap muli ng mga turista mula sa NCR plus bubble.

Inanunsyo kahapon ng Malay Tourism Office (MTO) sa isang Facebook post na maaari nang bumisita sa isla ang mga taga Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na nasa general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” simula June 1-15.

Kapag nagtuloy-tuloy ang plain GCQ matapos ang Hunyo 15 ay patuloy na rin ang pagtanggap ng turista mula sa NCR pero sa oras na bumalik ito sa MECQ ay maaaring itigil muli ang mga leisure travels.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, kasunod ito ng hiling ni Tourism Secretary Bernadette Puyat na buksan ang nga tourist destinations kagaya ng Boracay at Bohol.

Para maiwasan ang pagdami ng COVID-19 cases sa isla, mahigpit na binabantayan ng Malay LGU ang mga bars na hanggang ngayon ay hindi pa pinahihintulutang magbukas.

Dapat aniya na sumunod ang mga residente sa mga alituntunin na ipinatutupad kung gusto nila na buksan na ang Boracay sa mga turista dahil sa ekonomiya ng isla lang sila umaasa.