Connect with us

Aklan News

BOARD MEMBER HARRY SUCGANG, NASAKTAN SA PAG-ITSAPWERA SA KANYA NG GRUPO NI LACHICA

Published

on

By

Photo| Rolly Herrera/Radyo Todo Aklan 88.5 fm

Labis na nasaktan si Board Member Atty. Harry Sucgang matapos siyang i-itsapuwera ng grupo ni dating mayor William Lachica na maging kapartido sa kanilang hanay.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Sucgang, sinabi nito na parang lokohan ang nangyari dahil matapos siyang ipakilala bilang tatakbong kongresista sa unang distrito ng Aklan ay mababalitaan nitong may ipinakilalang iba liban sa kanya.

Aniya, nalaman niyang noong nakaraang Linggo ay nagkasundo si Lachica at Batan Mayor Rodel Ramos kung saan ito ang kanilang iniindorsong maging standard bearer sa pagka-congressman.

Kaninang umaga, alas 8:49 ay nag-file na si Sucgang ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang Kongresista sa ilalim ng Aksyon Demokratiko sa Provincial Comelec kasama ang kanyang misis na si Dra. Nellie Rose Sucgang.

Samantala, ipinahayag ni Sucgang na tuloy ang kanyang laban at ipinasiguro parin nito ang suporta para kay dating mayor Lachica sa kabila ng pag-iwan nito sa kanya.

Pagdidiin pa nito na ito ay hindi paninira kundi nais niya lamang proteksyunan ang grupo.

Hindi rin natatakot si Sucgang para sa laban na ito dahil para sa kanya ang Diyos ang kakampi niya.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *