Connect with us

Aklan News

BIYAHE NG BANGKA PAPUNTANG ISLA NG BORACAY PAPAYAGAN NA BUKAS

Published

on

Boracay Boats
File Photo

Balik-biyahe na bukas ang siyam na unit ng Caticlan-Boracay Tranport Multi-purpose Cooperative (CBTMPC) matapos ibinaba sa signal number 1 ang probinsiya ng Aklan dahil sa bagyong Odette.

Ayon sa CBTMPC alanganin pa sa ngayon na ibaba nila sa tubig ang kanilang bangka dahil masyado pang mababa ang tubig dahil sa low-tide.


Todo Media Magazine

Subalit ipinasiguro ng nasabing kooperatiba na bukas ng alas-5:00 ng umaga ay maaari na silang makapagbiyahe mula mainland Malay patungong isla ng Boracay.

Ayon naman sa Coast Guard Boracay, papayagan nila ang pagtawid patungong isla basta’t mayroong siguradong bangka na masasakyan.

Sa pinakabagong weather update ng PAG-ASA isinailalim na ang Aklan sa signal no. 1 maliban sa mga bayan ng Madalag, Malinao, Libacao at Buruanga.