Connect with us

Aklan News

Binata, sinaksak ng dating nakaalitan

Published

on

Banga ~Sugatan ang isang 29 anyos na binata matapos umanong saksakin ng dating nakaalitan pasado alas 9:00 kagabi sa Daja Sur, Banga.

Naaresto ang suspek na si Elizer Montoya, 51 anyos, habang nakatakas naman ang dalawang kasabwat umano nito na sina ‘Mark Francis’ at ‘Jolie’.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nasa malapit sa ilog ang biktima at kanyang kaibigan, nang dumating at lumapit ang suspek na si Montoya.

Kasunod nito, kinumpronta umano ng suspek ang biktima tungkol sa dati nilang alitan, hanggang sa nagtalo ang mga ito.

Hanggang sa biglang bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak sa tiyan ang biktima, subalit swerte namang sa kanang braso ito tinamaan.

Gumulong umano sa lupa ang biktima para makaiwas sa suspek, ngunit kaagad naman itong hinabol nina Mark Francis at Jolie.

Tuluyan namang nakatakas ang biktima hanggang sa dinala ito sa ospital, habang naaresto naman kinalaunan ang suspek na si Montoya.

Pansamantala siyang ikinustodiya ng mga pulis para sa karampatang disposisyon.