Connect with us

Aklan News

BINATA, NATAGPUANG NAKASABIT AT WALA NG BUHAY SA LOOB NG KANYANG KUBO

Published

on

By

nagbigti image

Isang 26-anyos na binata ang nagbigti sa hindi pa malamang dahilan sa loob mismo ng kanyang tinitirahang kubo sa isang barangay sa bayan ng Makato.

Ayon kay PSSTG. Jover Zubiaga ng Makato PNP, mismong ang kanyang pinsan ang nakatuklas sa bangkay ng biktima nang puntahan niya ito kaninang dakong ala-8:30 ng umaga para sana yayain na magtrabaho.

Pero hindi raw ito sumasagot kaya binuksan na niya ang kubo saka tumambad sa kanya ang nakabitin at malamig na bangkay ng kanyang pinsan.

Nauna rito, nakabanggit na umano ng mga pagpapahiwatig ng pamamaalam ang biktima sa kanyang mga pinsan.

Nabatid na mag-isa nalang itong naninirahan sa kanyang kubo habang nasa Manila ang kanyang ina.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na kagabi pa ginawa ng biktima ang pagpapatiwakal.

NOTE:
Kung ikaw ay may problema at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:

Advertisement

National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines

0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)